Lokalisasyon ng laro

Aming mga Serbisyo

Pagsasalin

Pagsasalin

Kapag isinasalin namin ang iyong laro, sinisiguro namin na maiintindihan ito ng bawat player. Mula sa tamang salita hanggang sa kulturang pinagmulan, ginagawa naming mas immersive at natural ang karanasan ng bawat gamer. Isinasaalang-alang ang mga gawi ng mga player at mga patakarang rehiyonal, para matulungan kang maghatid ng mahusay na gameplay experience sa mga gamer saan mang sulok ng mundo.
LQA

LQA

Ang aming LQA team ang unang nakakakita ng mga error sa wika, hindi angkop sa kultura at mga isyu sa UI bago pa ito mapansin ng mga gamer. Tinitiyak nito na mas mataas ang kalidad ng inyong release, at mananatiling lubos na naka-immerse ang mga manlalaro saan mang rehiyon.
Voice Over

Voice Over

Pinagsasama namin ang mga voice actor, translator, at sound engineer sa aming sariling recording studios para sa isang tuloy-tuloy at integrated na proseso. Mula sa panimulang script hanggang sa final mastered track, inihahatid namin ang buong serbisyo para masiguro na handang makipag-connect ang iyong content sa mga audience sa higit 30 wika sa buong mundo.
Genshin Impact
Frostpunk 2
Warhammer 40,000: Rogue Trader
Ready or Not
Honkai: Star Rail
Wuthering Waves

Pinagkakatiwalaan ng higit sa 200 na studio

AMING WORKFLOW

Paghahanda ng Proyekto
Pre-processing at Corpus Preparation
Pagsasalin
Pagsusuri at Quality Assurance
Paghahatid

Bakit Piliin Kami

By Gamers, for Gamers

Ang aming localization team ay binubuo ng mga gamer na may tunay na passion sa paglalaro kaya alam namin kung gaano kahalaga ang wika para sa immersion. Alam namin kung ano ang tunog natural sa mga dialogue, UI, at gameplay, para siguradong makakakonekta ang laro mo sa mga player nang eksakto sa intensyon mo.

Serbisyong Kayang Tumugon sa Pangangailangan sa Sulit na Presyo

Indie demo man o AAA release, inaayon namin ang aming mga serbisyo ayon sa production needs mo. Kaya naming hawakan ang buong proseso ng localization o mga partikular na bahagi, na laging may mataas na kalidad, mabilis na turnaround time, at presyo na pinakasulit sa industriya.

Sakop ang mga Wika sa Buong Mundo

Mula sa mga malalaking merkado hanggang sa niche regions, saklaw namin ang lahat ng pangunahing wika para sa PC, console, at mobile. Pinangangasiwaan ng aming in-house teams ang bawat proyekto, katuwang ang mga native linguist, para masiguro na natural ang tunog at daloy ng bawat pagsasalin.

Malalim na Pag-unawa sa Kultura Para sa Koneksyong Matibay

Hindi lang kami basta nagsasalin, inaangkop namin ang tono, humor, at mga sanggunian sa kultura ng bawat target audience. Dahil sa malalim naming pag-unawa sa gaming communities sa buong mundo, natutulungan ka naming makipag-connect nang natural sa mga manlalaro at bumuo ng pangmatagalang engagement.

Handa nang maabot ang mas maraming gamer?

DNE@lan-bridge.com